Post by Lee Ward on Jul 8, 2006 15:25:15 GMT 5
nung una ko to napanood (that was last week) nakornihan ako kasi mukhang trying hard yung mga artista at bago pa -- Yun pala ang asset ng show na to' ;D
dalawang episode pa lang napapanood ko d2 at nakakatawa talaga yung episode kanina hehe
Fresh sa paningin ang mga artista, masarap makakita ng ganun lalo na kung kahit saang channel mo ilipat eh may PAKYAW. maganda yung script at magaling yung direktor.
kahit na minsan parang kinakain nila yung sinasabi nila -- 1st time artista kasi eh.
heres more
taken from:
beta.abs-cbn.com/tabid/71/xmmid/387/Article/45/program/letsgo/xmview/2/Default.aspx
ABOUT
College life couldn’t get any wackier for a student living in a dorm. Make that a co-ed living space and watch things go topsy-turvy. ABS-CBN’s newest youth oriented show LET’S GO will take you on a rollercoaster ride called college, its ups, downs and the thrilling, nerve wracking loops in between. But the ride wouldn’t be as much fun without a crazy bunch of friends to experience it with.
Saturday afternoons wouldn’t be the same with your new kabarkadas on the block. Meet the crazy bunch of Let's Go: Alex, the kikay trendsetter who comes from a family with a cosmetics empire, then there's her equally kikay and marathon dieter best friend Trish; Juniper, the Political Science major and outspoken promdi; Crush ng Bayan Dennis, the closet gay with a policeman father; Musically inclined Norman, who’s forced to take up Mechanical Engineering by his parents; The overstaying Zap, who’s very clever with money except with Mike, the stingy, ‘raketero’ and jack of all trades of the gang; Maffy, the teleserye and showbiz fanatic; Sweet Charie who believes in love at first sight; Bob the jock, with sports, girls and nothing else on his mind; Mystery girl Bangs, the punk rocker chick who hides her face behind thick bangs and Badgie, the ever feared bully of the dorm, who scares everyone without even uttering a word.
Add to that chaos are their equally zany professors, mystified parents and silly classmates, Let’s Go becomes one big fun house. Follow the gang’s adventures and misadventures while they try to adapt to the dorm habitat and survive college life.
Celebrate love, friendship, fashion, food, music, teachers, exams and those simple, silly yet inspiring moments that make us really enjoy life. Are your boxes packed? Your bags stuffed? If you are ready to move in, then what are you waiting for… LET’S GO!
CASTS
Norman
Norman Bugallon
Cute, pogi, pretty boy. Second child at galing sa pamilya ng mga engineers. Napilitang kumuha ng Mechanical Engineering kahit na Fine Arts talaga ang gusto niyang kurso. Musikero, gitarista, artist. Romantiko. Bisaya kung magsalita, na-cute-an ang mga girls sa kanyang accent. Panis dumiga sa chicks.
Zap
Carl Zapatos
Fine Arts ang kurso niya. Ang mga magulang ay OFWs kaya’t sa dorm lang siya nakatira. Tuwing magpapadala ang kanyang mga magulang ng mga bagong sapatos at damit ay binebenta lang niya twice the price at alaskador. Overstaying na sa university. Magulang sa lahat ng bagay. Nagpapautang sa mga kaklaseng kapos pero laging malaki ang patong. Matakaw at laging inuubos ang pagkain ng barkada.
Dennis
Dennis Biazon
Gwapo at cush ng bayan, lapitin ng chicks. Ang di alam ng lahat ay bading pala siya kaya siya lumipat sa dorm para di mahalata ng tatay niya ang kalambutan niya. Nursing student; kapag mayroong may sakit sa barkada ay sa kanya lumalapit for 1st aid. Taga- Bulacan. Pulis ang tatay niya. Kapag nag-smile – may “twinkle”effect. May hidden desire kay Bugs
Mike
Mike Garuda
Ang kuripot sa barkada. Business Management ang course. Naisip na balang-araw ay gusto sana niyang magtayo ng isang pawnshop. Laging may dalang calculator para magcompute sa mga gastusin. Mahilig sa do-it-yourself, kung kaya namang gawin bakit kailangan bilhin, di ba? Daming alam sa buhay na di alam ng ordinaryong tao, pero impractical naman like mag-CPR, magluto ng orange flambé, kumanta in Ilokano, gumawa ng origami, may alam sa flower arrangement… siya pa nga daw ang nagpaanak sa nanay niya noong isinilang ang bunso nila. Daming weird experiences. Minsan ay inuuto’t iniisahan na ni Zap sa kuwentahan kapag inuutangan.
Bangs
Cool, sexy chick na hindi nagpapakita ng kanyang mukha. Natatakpan lagi ng bangs niya na lampas ilong ang haba.Wala pang nakakakita kung ano talaga hitsura niya. Isang malaking mysteryo ito sa lahat ng mga estudyante sa dorm nila, Masscomm ang course, punk rocker , hindi girly o kikay pero may malaking crush kay Bugs.Taga- Las Piñas.
Juniper
Juniper Lopez
Actually ang gustong ipangalan sa kanya ng tatay niya ay Jennifer. Nagkamali ng rinig ang nurse, Juniper ang naisulat. Probinsiyanang Bisaya at ignorante sa pasikot-sikot sa Maynila. Maganda pero medyo conservative at seryoso. Outspoken at mahilig makipag-argue kapag naumipsahan ang discussion. Lagi siyang may dalang malaking bag kasi naniniwala siyang “Mas mabuti na ang laging handa”. Ang laman ay floor wax, sinulid, grape juice at kahit kamatis dala niya. Political Science ang course at iskolar kaya naka- pagaral sa Maynila Baranggay captain ang tatay niya.
Alex
Alexandra Sy
Kikay at trendsetter; mahilig sa fashion. Bestfriend si Trish since highscool. Every week nag-iiba ang kanilang look na magbestfriend, from the hip-hop Bronx look ni j.lo to Japanese school girl fashion hanggang sa supermodel catwalk look. Anything with polka dots—yan ang personal style ni Alex. Theater Arts ang course. Para sa kanya “Life’s a stage”. Matalino pero tamad mag-aral. Mayaman dahil ang kanyang ina ang nakadiscover ng sobrang popular na scent ng cologne na Sweet Honesty. Nag-expand ng business hanggang sa mas lumago pa ang empire ng cosmetics line ng pamilya. Nais niyang mas sumikat pa kaysa sa naabot ng ina. May kotse siya na ginagawang “service" ng barkada.
Trish
Patricia
Bestfriend ni Alex since highscool. Mahilig sa bargain shopping at lahat ng sale. Every week iba-iba ang kanilang look na magbestfriend. Nagpupunta lang sa dorm para puntahan ang kanyang bestfriend para sabay silang pumasok sa school. Lagi niyang minemeasure ang calories, updated sa latest technology sa mga facials at usong diet. Weight conscious siya. Social climber pero nakakatawa. Mahilig mang-okray sa mga damit ng ibang tao kung ukay or high fashion etc. Ang course ay HRM at kaklase ni Bob sa Cooking 101. Ang business ng pamilya ay Piggery, babuyan sa Nepa-Q-Mart na naging matagumpay na business ng pamilya
Badjie
Class bully. Hindi siya nagsasalita pero kinatatakutan siya ng lahat, parang Godfather sa dorm na may alipores pa o bodyguard. Pati si Zap ay takot sa kanya. Unwritten rule sa dorm na ang lahat ng gusto ni Badjie ay kailangan maibigay or else…
Bob
Dagdagan ng O ang kanyang pangalan, iyun ang performance ng kanyang utak. Actually tamad lang mag-aral. Okey na sa kanya iyung pumasa lang pero star athlete. Captain ball ng kanilang varsity basketball team. Darating sa point na gusto niya na rin namang maka graduate pero sadya syang ibabagsak ng teacher para mag-stay pa at makapag laro sa varsity. Chick boy, pero walang pumapatol sa kanya ng seryoso. Hotel & Restaurant Management ang course kaya magaling magluto at naging kaklase na si Evs.
Maffy
Si Maffy ay updated sa latest teleserye, ang kanyang idol ay si Ms. Kristine Hermosa. Mahilig sa mga artista at sa showbiz. Hilig ay makinig ng pop music at laging in sa mga uso.
Charie
Very sweet girl at hilig ay anything with flowers at mga romantic movies. She believes in destiny at love at first sight.
saya niya panoorin...
so wacth it na
saturdays 5pm
on ABS-CBN
ANGAT ANG PINOY!!